Director’s Desk (December 1, 2015)
MAKABULUHANG PASKONG PANANALIKSIK PO SA ATING LAHAT!
Ikinalulugod ko pong imbitahan ang lahat sa ating simpleng selebrasyon ng Kapaskuhan para sa lahat ng naging mananaliksik ng ating mga research centers – Social Research Center (SRC), Center for InterculturalStudies (CIS), Center for Educational Research and Development (CERD), at Research Center on Culture, Education and Social Issues (RCCESI)!
Ito ay gaganapin sa Disyembre 14, 2015, sa TARC, mula 4:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi. Mula 4:00 – 5:30 ng hapon, sisimulan po natin ang ating pagsasalo ng KUWENTONG-PANANALIKSIK kung saan babalikan natin ang masasaya at makabuluhang kasaysayan ng ating mga research centers. Impormal at kuwentuhan ito; walang papel pero may diskurso; walang powerpoint pero may mga konsepto. Magbabalik-tanaw tayo sa ating mga karanasan bilang paghahanda sa nalalapit na paglulunsad ng dalawang bagong mga sentro: ang RCCAH (Research Center on Culture, Arts, and the Humanities) at RCSSED (Research Center on Social Sciences and Education). Mula 5:30 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, pagsasaluhan natin ang inihandang pagkain ng RCCESI na ang panghimagas ay mga tawa, kuwento at mga himig Pamasko!
Di niyo po kailangang magdala ng anumang materyal na regalo dahil ang tunay na regalong handog para sa Pasko ay TAYO – ang ating mga presensiya, tayong mga Tomasinong Mananaliksik!
Pero kung talagang gusto niyo pong magdala ng anumang pandagdag ulam o panghimagas (tulad ng mga prutas at mga healthy foods para sa maraming nais mabuhay nang matagal), pakibulong lang po kay Ms. Maricar, Ms. Billie o Ms. Fe.
Paki imbita po ang naging bahagi ng ating mga centers – SRC, CIS, CERD, at RCCESI! At pakisabihan po kami sa opisina para matiyak na sapat ang pagkain at kilala natin kung sino ang pakakantahin